COVID-9 DEATH TOLL: 2,400

PUMALO na sa mahigit 2,400 ang namatay sa China nang dahil sa coronavirus (COVID-19) epidemic.

May 96 katao mula sa Hubei ang nadagdag sa bilang ng mga namatay.

Karamihan sa mga namatay base sa bilang ay mula sa Wuhan, kung saan nagmula umano ang sakit at unang natunton noong Disyembre.

Mayroon na ring 630 na bagong kaso, kaya pumalo na sa mahigit 77,000 ang natamaan ng Covid-19 sa China.

Kumalat na rin ang virus sa 25 bansa sa buong mundo kabilang sa Europe, Middle East at Asia maging sa US. KIKO CUETO

180

Related posts

Leave a Comment