CDO- Hindi umano matanggap ng isang grade 10-student ang pag-iwan sa kanya ng nobya dahilan para tapusin ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti gamit ang kadena ng aso sa Cagayan de Oro City.
Natagpuang nakabitin sa kisame at walang buhay ang biktimang 16-anyos, ng Barangay Nazareth, Macasandig, CDO City. Kadena ng aso ang ginamit nito sa pagkitil ng kanyang buhay.
Sinabi ng mga kaklase ng biktima, nagtataka sila kung bakit hindi pumasok sa paaralan ang kaibigan kaya nagpasya silang puntahan ito sa bahay subalit laking gulat nila nang bumulaga sa kanilang mata ang katawan ng kaklase na nakabigti na.
Ayon pa sa mga ito, nagsabi na noon pa ang lalaki na kapag naghiwalay sila ng kanyang nobya ay magpapakamatay siya dahil wala nang nagmamahal sa kanya dahil maging sa pamilya nito ay may problema. Annie Pineda
