HABAL-HABAL DRIVER PATAY SA AKALA’Y PASAHERO

AGUSAN – Patay ang isang habal-habal driver makaraan parahin bago pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek habang matapos manggaling sa palengke ng Agusan del Norte, iniulat kahapon ng umaga.

Ang biktimang si John Rey Rabadan, 25, ng Kabayawa Poblacion, Carmen, Agusan del Norte, agad namatay matapos magtamo ng mga tama ng bala ng kalibre .45 sa katawan.

Base sa imbestigasyon, minamaneho ni Rabadan ang kanyang habal-habal kasama ang kanyang 3-anyos na pamangkin bandang alas-10 sa District Dagohoy, Barangay Poblacion nang parahin ng isang lalaki.

Isinakay ni Rabadan ang lalaki bago ibinaba ang kanyang pamangkin at iniwan sa kalapit na bahay subalit ilang metro pa lang ang layo mula sa bahay na pinag-iwanan sa pamangkin ay nakarinig na ang mga saksi ng tatlong putok.

Mabilis na tumakas ang suspek habang iniwang duguang nakahandusay si Rabadan at humingi naman ng tulong sa mga pulis ang taong pinag-iwanan sa bata.

Inaalam pa ang motibo sa pamamaslang sa biktima. Annie Pineda

 

327

Related posts

Leave a Comment