PINIRMAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang isang kautusan na ang pangunahing layunin ay palakasin ang kampanya ng gobyerno para mawakasan ang hazing at iba pang fraternity-related violence.
Tinintahan ni Pangulong Duterte ang Proclamation no. 907 nito lamang nakaraang Biyernes, Pebrero 21 na nagsasaad na deklarado ang kada ikalawang linggo ng Pebrero bilang National Hazing Prevention Week.
Sa naturang proklamasyon ay inaatasan ang Commission on Higher Education na manguna sa nationwide yearly observance ng National Hazing Prevention Week.
Samantala, hinihimok din ang lahat ng ahensya ng pamahalaan kabilang na ang mga Government-owned or controlled corporations, state universities & colleges maging ang mga LGU na suportahan ang CHED sa pagsasagawa ng mga programa at proyekto kaugnay ng naturang aktibidad. CHRISTIAN DALE
