MPBL LAKAN CUP 2020 KNIGHTS SWAK NA SA NORTH FINALS

SWAK na sa North division finals ang San Juan Knights, habang humirit naman ang Makati at Manila ng decider sa magkahiwalay na laro ng Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season sa San Andres Sports Complex, Miyerkoles ng gabi.
Gumamit ang Knights ng full court press para itala ang 91-83 win para walisin ang Pampanga Giant Lanterns sa kanilang semifinal series, 2-0.

Sa kabilang banda, ang Makati Super Crunch ay pinigil ang paulit-ulit na paghahabol ng Manila Stars tungo sa 75-59 win para itabla ang kanilang serye sa 1-1.

Sumandal ang Knights kay MVP contender John Wilson at kay Jhonard Clarito, para ulitin ang kanilang 86-64 win sa Giant Lanterns sa Game One.

Si Wilson ay kumamada ng 26 points, 6 assists, 5 rebounds at 5 steals, habang si Clarito ay may 14 points, 14 boards at 4 steals para sa Knights, na target maduplika ang kanilang paghahari sa MPBL Datu Cup.

Nagdagdag din sina Mike Ayonayon at CJ Isit ng tig-13 points.

Si Pampanga top gunner Mike Juico na napatalsik sa second quarter sanhi ng disqualifying foul,  ay humugot ng 18 points at 11 rebounds mula kay Dexter Maiquez, 17 points mula kay Levi Hernandez, 14 kay Reil Cervantes, at 10 plus 9 rebounds kay Larry Muyang.

Naunang naka-shoot ang Manila, kasunod nito ay binalewala na ng Makati ang fans ng Stars nang kunin ang 19-7 kalamangan at buhat dito ay hindi na nagpabaya para rumesbak mula sa 74-77 Game One loss.

Si former La Salle Green Archer Joshua Torralba ay nagsumite ng 23 points, kasama ang 5 triples para sa Super Crunch, na nagawa ring pigilan si Manila hotshot Carlo Lastimosa sa pitong puntos matapos mag-average ng 23 sa playoofs.

Nakatakdang magharap ngayong gabi ang Makati at Manila sa parehong venue. Ang magwawagi ang haharap kontra Knights sa North title duel. (VT ROMANO)

110

Related posts

Leave a Comment