PARTIAL LOCKDOWN SA DAVAO

NAGKASUNDO sina Davao City Mayor Sara Duterte at Tagum City Mayor Allan Rellon na ipatupad ang partial lockdown sa lahat ng entry at exit points sa dalawang lungsod epektibo, alas-7 ng gabi nitong Linggo, Marso 15.

Nagpalabas din si Mayor Duterte ng Executive Order No. 11 para ipatupad ang partial lockdown sa Lasang checkpoint ng lungsod.

Nilinaw ng alkalde na “locked” area ang gagawin sa Lasang checkpoint na nasa pagitan ng Tagum at Davao City.

Nakasaad sa EO na wala nang sasakyan mula sa Tagum City ang papapasukin sa lungsod mula sa sandaling maging epektibo ito.

Habang ang mga nagtatrabaho sa Davao ngunit nakatira sa ibang lugar ay kailangang magpakita ng ID pagdating sa checkpoint maliban sa mga manggagawa mula sa Tagum City na hindi pinahintulutang makapasok sa Davao.

Nilinaw naman sa EO na maaaring makapasok ang mga supply at delivery vehicles ngunit isasailalim sa temperature check ang mga helper at drayber. DONDON DINOY

194

Related posts

Leave a Comment