TAYAM, KINUWESTIYON SA SC ANG SENATE LEADERSHIP ROW

KINUWESTIYON kahapon sa Korte Suprema ng isang high school teacher ang legalidad ng quorum sa sesyon ng Senado noong Hunyo 3, 2026 kung saan idineklarang bakante ang lahat ng posisyon at naghalal ng bagong liderato.

Ayon kay Barry Tayam, naghain siya ng petisyon upang malinawan ang publiko sa gitna ng magkakaibang pananaw ng mga legal expert at matinding diskusyon sa social media hinggil sa nangyaring pagbabago sa liderato ng Senado.

“Kasi nagkakagulo eh, pati ang mga tao sa social media, pati ang iba’t ibang legal experts. Nagkakagulo sila. So, at least nasa Supreme Court na ang final say,” ani Tayam.

Sa kanyang 20-pahinang petisyon na inihain noong Hunyo 5, hiniling niya sa Korte Suprema na tukuyin kung si Sherwin Gatchalian na ang lehitimong acting Senate President o kung si Alan Peter Cayetano pa rin ang nananatiling pinuno ng Senado.

Nais din niyang malinawan kung si Loren Legarda o si Gatchalian ang dapat kilalaning Senate President Pro Tempore, gayundin kung si Pia Cayetano pa rin ang chairperson ng Blue Ribbon Committee.

Ayon kay Tayam, kinakailangan ang agarang aksyon ng Korte Suprema upang maiwasan ang posibleng constitutional crisis at kalituhan sa liderato ng Senado.

“Sana maayos na ang Senate kasi sila yung nakakapigil ng mga dapat umusad na batas,” dagdag niya.

(JULIET PACOT)

112

Related posts

Leave a Comment