1 PANG HOUSE EMPLOYEE COVID-19 POSITIVE

ISA pang empleyado sa mababang kapulungan ng Kongreso ang nagpositibo sa COVID-19.
Ito ang napag-alaman sa ilang impormante sa Kongreso.

Ayon sa impormasyon, chief of staff (COS) umano ng isang mambabatas mula sa Region 5 ang pangalawang biktima ng COVID-19 sa Kongreso at ngayon ay nasa Intensive Care Unit (ICU) sa isang hindi pinangalanang pagamutan.

Magugunita na isang 41-anyos na empleyado ng Printing Service ng Kamara ang unang biktima ng COVID-19 at kamakalawa ng madaling araw ay pumanaw na ito.

Hindi tulad ng unang biktima na may iniindang karamdaman bago nagkaroon ng COVID-19 at labas-masok umano sa pagamutan, walang impormasyon kung may sakit ang pangalawang biktima bago nagkaroon ng nasabing virus.

TULOY ANG HEARING

Sa kabila nito, bumuo ng special committee ang liderato ng Kamara at magsasagawa ng public hearing bukas, Miyerkoles, para gumawa ng batas laban sa COVID-19.

Magsasama-sama ang committees on health, economic affairs, tourism, trade and industry, banks and financial intermediaries, labor and employement, public information, appropriations, ways and means, local government, Metro Manila development at senior citizens sa gagawing pagdinig.

Tinawag ito bilang Defeat COVID-19 Committee na ang layon ay pag-usapan ang mga panukalang batas na gagamitin sa paglaban sa nasabing sakit kasama na ang mga pondo sa pagtulong sa mga apektadong sektor at mga manggagawa. BERNARD TAGUINOD

198

Related posts

Leave a Comment