HINIKAYAT ni Senador Grace Poe ang gobyerno na isama sa kanilang programa para sa pagbibigay ng ayuda sa krisis sa COVID 19 ang mga informal sector tulad ng mga
basurero, magtataho at iba pang maliliit na nagtitinda.
Ipinaalala ni Poe sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infections Disease, higit kailanman, mas nasa panganib ngayon ang informal economy.
“Yung mga nangongolekta ng basura, nagbebenta ng taho at fishball, pati na rin ang mga tricycle at jeepney drivers, street-sweepers at construction workers–sila ang
pinaka tatamaan ng enhanced community quarantine,” saad ni Poe.
“Kung hindi sila makakapagtrabaho ay wala rin silang ipapakain sa kanilang pamilya,” dagdag ng senador.
Ginawa ng senador ang pahayag makaraan ang deklarasyon ng economic team na nakahanda na ang P27.1-billion package para tulungan ang frontliners sa pagsugpo sa
sakit at bigyan ng iba pang pangangailangan.
Iginiit ni Poe na dapat makasama sa beneficiaries ng food packs at relief assistance ang pamilya ng mga informal sector worker.
“They have given so much to the Philippine economy, yet they are not covered by social security. It’s only fair that they are given adequate assistance during this
difficult period,” diin ni Poe.
Samantala, hinimok ni Senador Francis Pangilinan ang pamahalaan na tiyaking tuloy- tuloy ang paghahatid ng mga produkto at serbisyo sa mahihirap partikular sa mga
nangangailangan ng pagkain, malinis na tubig, gamot at iba pang pangangailangan.
Iginiit ni Pangilinan na dapat ikonsidera ng pamahalaan ang pagbili ng produkto ng mga lokal na magsasaka. DANG SAMSON GARCIA
399 