BUSINESS ESTABLISHMENTS SARADO PAGSAPIT NG ALAS-5

DAVAO CITY-Iniutos ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang pagpapasara sa mga establisimyento sa lungsod pagsapit ng alas-5 ng hapon.
Sa panibagong executive order na inilabas ng lokal na pamahalaan ng lungsod,

kailangang magsara ang mga business establishment pagsapit ng alas-5 ng hapon hanggang umiiral ang national state of emergency kaugnay ng coronavirus disease (COVID-19).

Nagpalabas din ang lokal na gobyerno ng Executive Order No. 16, na nag-uutos sa lahat ng malls at mixed-use buildings at mga hindi importanteng tindahan na magsara maliban sa supermarkets, pharmacies, bangko, mall inhouse department stores, medical laboratories, mga klinika, simula alas-11:59 ng gabi noong Marso 19 hanggang matapos ang state of public health emergency.
Ang dalawang EOs ay ginawa upang matupad ang layunin ng state of public health emergency na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Kahit sinabihan kayo na mag-stay within your residence, you stay in your houses,

you distance yourself from eath other, you frequently wash your hands with soap and water, mayroon pa ring lumalabag at namamasyal. So ngayon ipasasara na natin,”pahayag ng alkalde. DONDON DINOY

160

Related posts

Leave a Comment