MAY SASABIT SA GUN FIRING INCIDENT SA SENADO AT PAGTAKAS NI SEN. BATO

INIHAYAG ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na may mga kasong inihahanda kaugnay ng insidente ng pamamaril sa Senado at sa umano’y pag-alis o “escape” ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa mula sa Senado.

Ayon kay CIDG chief Maj. Gen. Robert Morico II, magkaugnay ang dalawang insidente — ang pamamaril sa loob ng Senado at ang pag-alis ni Dela Rosa ilang oras matapos ito — ngunit nilinaw niyang hiwalay pa ring iniimbestigahan ang mga kaso at wala pang pinal na konklusyon.

Kaugnay nito, may ilang personalidad umano ang iniimbestigahan kabilang ang mga indibidwal na posibleng tumulong o may kinalaman sa pag-alis ni Dela Rosa at maaaring maharap sa kasong obstruction of justice sa ilalim ng Presidential Decree 1829.

Nauna nang lumabas sa mga ulat na nagkaroon ng insidente ng pamamaril sa Senado noong Mayo 13, 2026 at sinundan ito ng pag-alis ni Dela Rosa sa Senado bandang madaling araw ng Mayo 14.

Sinabi rin ng CIDG na patuloy nilang pinag-aaralan ang mga ebidensya at naipasa na sa Department of Justice (DOJ) ang kaso upang matukoy kung may pananagutang kriminal ang mga sangkot at kung sinu-sino ang dapat sampahan ng kaso.

(JESSE RUIZ)

78

Related posts

Leave a Comment