DAYUHANG BASTOS KALABOSO

BATANGAS – Arestado ang isang British national matapos insultuhin at bastusin ang pulis na sumita sa kanya kaninang umaga sa Brgy. Poblacion 3, bayan ng Bauan.

Nakipagtalo umano si William Matthew Hume, 56-anyos at residente ng B10 L6 Camella Homes, Brgy. Sambat, San Pascual, Batangas kay PSSg Louie Angelo Manalo, nakatalaga
sa Bauan Municipal Police Station nang harangin siya nito.

Nabatid na lumabas si Hume para sana mag-withdraw sa ATM ngunit hinarang siya ng pulis kaugnay ng ipinatutupad na enhanced community quarantine.

Nagwala umano ang dayuhan sabay sabing “You are f***ing Idiot. There is no ATM in San Pascual,” sabay senyas ng dirty finger sa pulis Binitbit ni Manalo sa presinto ang dayuhan para sampahan ng kasong Disobedience to a Person in Authority, Unjust Vexation at paglabag sa RA Sec. 11332. CYRILL QUILO

201

Related posts

Leave a Comment