UTANG DAPAT WALANG INTEREST RATE – SOLON

kamara1

UMAPELA si Senador Christopher ‘Bong’ Go sa mga pribado at government banks gayundin sa mga credit at lending facilities na huwag magtataas ng interest rates sa mga consumer at commercial loans ngayong nahaharap ang bansa sa matinding krisis dahil sa COVID-19.

Sa halip, ayon sa senador ay gumawa ang mga ito ng flexible at convenient restructuring ng loans para mapagaan ang pasanin ng mga borrower sa mga susunod na araw.

Binigyang diin ni Go na ngayong panahon ng national crisis, kailangang magsakripisyo ang lahat para sa kapakanan ng nakararami.

Dagdag pa nito na ito ang panahon na dapat mas magtulungan ang gobyerno at private sector para malabanan ang COVID-19.

Nanindigan si Go na dapat pairalin ngayon ang bayanihan at malasakit para makabangon ang lahat mula sa krisis na dulot ng pandemic na ito. NOEL ABUEL

321

Related posts

Leave a Comment