Staff may COVID-19 OSPITAL SA CALAMBA ISASARA

LAGUNA – Pansamantalang isasara ngayong araw, Abril 1, ang isang ospital sa Calamba City makaraang masuring positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang staff nito.

Ito ay upang i-disenfect ang nasabing ospital para hindi na kumalat pa ang nakamamatay na virus.

Nauna rito, inihayag ng Pamana Medical Center na positibo sa nasabing sakit ang isa nilang staff.

Nagmula umano ang biktima sa hanay ng Dietary Staff ng nabanggit na ospital.

Nakumpirma ito noong Marso 30, 2020 nang dumating ang resulta ng pagsusuri mula sa Reasearch Institute for Tropical Medicine (RITM).

Ayon sa pamunuan ng nasabing ospital, maraming nakasalamuhang kapwa staff ang biktima kung kaya’t nagpasya ang pamunuan na pansamantalang isara ang ilang bahagi ng pagamutan sa loob ng 14 araw para maiwasan ang pagkalat ng virus. (CYRILL QUILO)

 

 

514

Related posts

Leave a Comment