SALVAGE VICTIM, ITINAPON SA BANGIN  

BATANGAS – Isang bangkay ng hindi pa kilalang lalaki ang natagpuan sa ilalim ng bangin sa Barangay Cale, Tanauan City sa lalawigang ito, noong Sabado ng umaga.

Ayon sa report ng Tanauan City police, nadiskubre ng mga dumaraan sa lugar ang bangkay na nakagapos ang mga kamay at nakabulagta sa ilalim ng bangin.

Tinatayang nasa 5’2” ang taas ng biktima na nakasuot ng green polo shirt at brown walking short.

Ayon sa pulisya, posibleng biktima ng summary execution ang lalaki at pinatay sa ibang lugar saka itinapon ang bangkay sa nasabing bangin.

Pinaniniwalaang ginagawang tapunan ng mga salvage victim ang lugar matapos madiskubre ang isa pang kalansay at bungo sa eksakto ring lugar na binagsakan ng biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis at inaalam ang pagkakakilanlan ng biktima. (NILOU DEL CARMEN)

198

Related posts

Leave a Comment