PAGCOR, POGO NAMAHAGI NG TULONG SA MGA APEKTADONG KOMUNIDAD

OKAY O OKRAY

NAGSANIB – PWERSA ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) upang tumulong sa  iba’t ibang local government units (LGUs) sa Luzon na apektado ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Okay ang ginawa ng PAGCOR na paghahatid sa iba’t ibang komunidad sa National Capital Region (NCR), Benguet, Bulacan, Pampanga at Tarlac ng 47,000 food packs na binili ng POGOs.

Okay din ang pahayag ni PAGCOR Vice President for Corporate Social Responsibility Jimmy Bondoc na naglaan ang POGO ng P60 milyon para sa food packs.

Okay na okay ang sinabi pa ni Bondoc na “We have been distributing food packs to various cities and municipalities in Metro Manila and other nearby areas like Marikina, Calabarzon, Pampanga, Bulacan, and Tarlac.”

Bukod  sa nasabing halaga, nakapagbigay na rin ng P90-M ang POGO para naman sa pagbili ng mga medical supplies para sa mga public hospitals ang mga COVID-19 patients ng mga ito.

Super okay ang ibinalita pa ni Bondoc na ang PAGCOR ay nagsimulang mamahagi ng protective gears tulad  face masks, gloves at personal protective equipment simula pa noong  Marso 25  sa Lung Center of the Philippines at noong Abril 4 nakapagdeliber ang nasabing government owned and controlled corporation (GOCC)  ng 12,000 face masks at 150 personal protective equipment (PPEs) sa Ramos General Hospital sa Tarlac.

Pinaka-okay ang nagawa ng POGO na pagdo-donate sa PAGCOR ng P150-M habang ang gaming agency naman ay nakapag-ambag na ng P20.5 bilyon para sa laban ng gobyerno kontra COVID-19. LEA BOTONES

 

 

194

Related posts

Leave a Comment