LAGUNA – Magbibigay ng P3,000 sa bawat pamilya ang lokal na pamahalaan ng Calamba City sa halos 80,000 pamilya na hindi nakasama sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Social Amelioration Program (SAP) dahil 69,000 pamilya lamang ang nasa kanilang listahan na magbebenipisyo sa nasabing tulong mula sa national government.
Sa napagkasunduang budget na ipamamahagi, halos P250 milyon ang naaprubahan ng Sangguniang Panglunsod na kanilang ipamamahagi sa susunod na mga araw.
Ayon kay Mayor Justin Chipeco, tugon ito ng Calamba City sa ilang pamilya ngayong panahon ng krisis.
Programa ito ng Sangguniang Panglungsod upang makatulong sa bawat pamilya na nawalan ng trabaho at pagkakakitaan.
Ang cash assistance na ito ng Calamba City ay dahil wala pang katiyakan kung hanggang kailan tatagal ang ipatutupad na enhanced community quarantine sa bansa.
Maglalabas ang lokal na pamahalaan ng mga alituntunin para sa mga tatanggap ng nasabing halagang tulong pinansyal.
Samantala, pumalo na sa 27 katao ang positibo sa COVID-19 sa lungsod. (CYRILL QUILO)
220 