Nilagay sa peligro ang Batangas at returning OFWs MOCHA KASUHAN SA PAG-EPAL

HINDI nakaligtas sa ngitngit ng netizens si Overseas Workers Welfare Administration Deputy Administrator Mocha Uson matapos siyang makiisa sa isang mass gatherings na naglagay sa peligro sa mga nagbalik-bansang Overseas Filipino Workers at maging sa mga residente ng Lian, Batangas kung saan ginanap ang okasyon.

Dahil dito, iginiit ng netizens na kasuhan si Mocha at papanagutin sa hindi pagsunod sa enhanced community quarantine protocols sa gitna ng pandemyang COVID-19.

Maging sa Atty. Ferdinand Topacio ay hindi naiwasang kastiguhin si Mocha. “I strongly suggest, for consistency, that the proper government agency summon @MochaUson for ECQ violations. Rules are rules. She is turning out to be a loose cannon,” tweet ni Topacio na gumagamit ng username na @YesYesYo13.

HANDS off

Samantala, dumistansya ang Malakanyang sa usapin ng paglabag umano ni Uson sa quarantine protocol.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, bahala na ang Overseas Workers Welfare Administration na magdesisyon sa kapalaran ni Uson lalo pa’t isa itong deputy administrator ng ahensiya.

“Ipo-forward ang impormasyon na ito sa OWWA Administrator, siya ang magdedesisyon,” ayon kay Sec. Roque.

“Kinumusta rin po natin ang kalagayan ng 322 OFWs natin sa Matabungkay, Lian, Batangas,” ani Uson sa kanyang Twitter.

Nag-share din si Uson ng mga larawan ng naturang event sa kanyang Facebook account kung saan makikita ang daan-daang nakibahagi sa pagtitipon. CHRISTIAN DALE

200

Related posts

Leave a Comment