ILOCOS Norte – Basag ang bungo ng isang lalaki makaraang makuryente habang nagwe-welding sa kanilang bahay sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktimang si Jerry Baga, 43-anyos, residente Brgy. 22, San Guillermo sa bayan ng San Nicolas.
Batay sa report ng pulisya, nagwe-welding ang biktima sa kanilang bahay nang makuryente dahilan para matumba ito at tumama ang ulo sa semento.
Agad dinala sa Black Nazarene Hospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival. ANNIE PINEDA
339 