BATANGAS – Natagpuang patay ang isang Arabo sa loob ng tinutuluyan niyang kuwarto sa bayan ng San Juan sa lalawigang ito, noong Martes ng umaga.
Kinilala ng San Juan police ang biktimang si Juma Abdulla Ramadhan Al Suwaidi, 66, United Arab Emirates (UAE) national at pansamantalang nanirahan sa Barangay Bataan.
Batay sa report ng mga pulis, noong Martes ng umaga nang makitang wala nang buhay ang dayuhan habang nakahiga sa kama.
Ayon sa mga awtoridad, dumating sa bansa ang naturang dayuhan noong nakaraang buwan galing sa UAE at kasalukuyang naka-self quarantine sa bahay ng kanyang biyenan.
Habang naiwan naman sa UAE ang asawa nitong Filipina.
Walang nakitang foul play ang mga awtoridad at posible umanong heart attack ang ikinamatay ng biktima dahil kamakailan ay sumailalim ito sa heart operation at nakararanas ng alta presyon.
Kinuha na ng Bureau of Immigration ang labi ng biktima upang dalhin sa UAE embassy para maibalik sa kanilang bansa. NILOU DEL CARMEN
272 