Laban ng OFWs, ‘di pa tapos UHC LAW, IRR PINABABAGO NG BIG LABOR GROUPS

NANINIWALA ang dalawang malalaking organisasyon ng mga manggagawa sa bansa na hindi pa tapos ang laban ng overseas Filipino workers (OFWs) tungkol sa pagbabayad ng Philippine Health Insurance (PhilHealth) premium.

Ito ang tiniyak ng Federation of Free Workers (FFW) at AKO OFW Inc. kahit ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte na “boluntaryo” o hindi na obligado ang OFWs na magbayad ng buwanan sa PhilHealth at kahit ipinasuspinde rin ni Health Secretary Francisco Duque ang pagbabayad ng OFWs ng kanyang premium sa PhilHealth.

Ayon kay Amalia Campos ng Central Philippine University (CPU), pangalawang pangulo ng FFW, ang ginawa nina Duterte at Duque ay “temporary reprieve from restlessness and a fresh air for OFWs and their families in the midst of COVID-19 pandemic, but I think there is really a need to amend the law as migrant workers are categorized as direct contributors under Section 4(f) and required to pay based on a certain percentage of their income under Section 10 of the Republic Act No. 11223 or Universal Health Care Law (UHC) Law.”

Idiniin ni Campos ang probisyon ng UHC Law na “obligasyon” ng OFWs na maglabas ng pera para sa sistemang UHC kung saan magiging libre ang pangkalusugang pangangailangan ng mamamayang Filipino.

Idiniin naman ni Dr. Chie Umandap, tagapangulo ng AKO OFW Inc., na “Dapat baguhin ang IRR (implementing rules and regulation) ng R.A. 11223 [dahil] … Mali ang IRR na ipinalabas ng DOH (Department of Health) na pakiramdam [naming] mga OFW ay masyado [kaming] ginagatasan. Lalo na ‘yung penalty clause (1.5% kapag hindi makabayad ng PhilHealth premium ang OFW).” Ani Umandap, maganda ang layunin ng UHC Law, ngunit ipinunto niyang sinira ito ng IRR ni Duque.

Sinaltik naman ni Ressie Fos, pangulo ng Bayanihan ng mga Manggagawa sa Konstruksyon sa Qatar – Federation of Free Workers (BMKQ-FFW), ang probisyon sa IRR ng UHC Law na inaprubahan ni Duque na ipinulupot sa overseas employment certificate (OEC) ang pagbabayad ng PhilHealth premium.

“The supposed policy not to issue OEC to OFWs if PhilHealth premiums, including arrears with compounded interest, are not paid is totally absurd – it’s like ‘OEC for ransom’ as implementing agencies’ mandatory tool,” ratsada ni Fos. Binatikos din ni Umandap ang paggapos ng OEC sa pagbabayad ng OFWs sa PhilHealth.

“Ang konsepto ng UHC ay bayanihan. Ang mga OFW ang makakatulong sa mga Filipino na walang kakayanan magbayad ng PhilHealth premium, pero tumutulong na nga kami sa pagbabayad ng premium ng poorest of the poor, bakit kailangan pa kami ipenalty?,” tanong ni Umandap sa DOH.

Bilang kalihim ng DOH, si Duque ang tagapangulo ng Board of Directors ng PhilHealth.

Ang pangulo at chief executive officer ng PhilHealth ay si Ricardo Morales, retiradong heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP). NELSON S. BADILLA

206

Related posts

Leave a Comment