70-ANYOS NA BABAE NAKITANG PATAY SA GOV’T VEHICLE

WALA nang buhay nang matagpuan sa loob ng isang government vehicle sa Buenavista ang isang 70-taong gulang na babae sa Agusan del Norte.

Sa report, nakaparada ang sasakyan sa harap ng munisipyo at police station ng Buenavista.

Sinabi naman ng driver na Biyernes pa ng hapon nang iparada niya ang sasakyan sa lugar dahil bawal itong iuwi sa kanilang bahay.

Pagbalik niya nitong Lunes, tumambad sa kanya ang bangkay ng babaeng kinilalang si Josefina Tugaparucho.

Sa report, wala namang nakitang galos o pasa sa katawan ng babae na puwedeng maging indikasyon na pinuwersa siya.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang dahilan ng pagkamatay nito at kung bakit ito napunta sa loob ng sasakyan. (CATHERINE CUETO)

448

Related posts

Leave a Comment