IMINUNGKAHI ng House Asst. Majority Leader na ilipat na sa mga pagamutan sa kalapit na lalawigan ang mga pasyenteng hindi na matanggap sa mga ospital sa Metro Manila na puno na ng
COVID-19 patients.
Nababahala si ACT-CIS Partylist Representative Niña Taduran sa mga pasyenteng may COVID-19 na hindi na matanggap sa mga ospital sa Metro Manila.
Ayon kay Taduran, kailangang mailagay sa tamang pasilidad ang mga pasyenteng may COVID-19.
Gayundin, hindi na aniya kakayanin ng mga healthcare worker sa Metro Manila ang dumaraming pasyente sa kanilang ospital.
“Kung wala nang available rooms sa hospitals sa Metro Manila, bakit hindi natin dalhin ang mga pasyente sa ospital sa labas ng NCR? Gamitin ang One Hospital system ng DOH para malaman
kung saan puwedeng dalhin ang mga pasyente. Hindi rin puwedeng magdagdag lang ng Covid beds ang Metro Manila hospitals pero hindi naman nila madagdagan ang mga healthcare worker,” ani Taduran.
“I have heard of severely ill patients waiting in the Emergency Room for days because Covid rooms or the ICU are full. Some are even forced to wait at home even if they need to be attended to in a hospital.
Ang iba nga raw, kung walang kakilala sa ospital, hindi talaga maipapasok kahit sa emergency room,” dagdag pa ni Taduran.
Hiningi ni Taduran ang kooperasyon ng mga pinuno ng local government units sa mga lugar ng ospital na paglilipatan ng mga pasyente.
Nababahala rin ang mambabatas sa numinipis na suplay ng mga gamot at dugo para sa mga pasyenteng nasa ospital ngayon.
“I hope the DOH will do something about this ASAP. Find more sources for medicines like Tocilizumab which hospitals are running out of. Likewise, DOh should aggressively promote the drive for blood donation. We need to save lives and we can’t afford to take it sitting down,” pagtatapos ni Taduran. (CESAR BARQUILLA)
621 