1 PATAY, 2 SUGATAN SA LASING NA DRIVER

CAVITE – Patay ang isang tricycle driver habang sugatan ang pasahero nito at isang pedestrian makaraang araruhin ng isang lasing na driver ng kotse sa Bacoor City sa lalawigang ito Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng driver ng tricycle na nalagutan ng hininga makaraan ang insidente habang nilalapatan ng lunas sa Imus Medical Center ang pasaheo nitong si Rodora Enriquez, 53, at pedestrian na si Angelo Lacson, 31, kapwa ng Bacoor City.

Kinilala naman ang driver ng Honda Civic Sedan na may plakang NBD 746, na si Igie Lou Silvela ng #6823-B Washington St., Pio Del Pilar, Makati City.

Sa ulat ni Pat. Jerome Asid ng Bacoor City Police Station, nangyari ang insidente alas-8:30 noong Biyernes ng gabi habang binabagtas ng tricycle driver ang Mambog Road, Brgy. Mambog ng naturang lungsod.

Minamaneho naman ng suspek ang kanyang kotse habang binabagtas ang nasabi ring lugar patungo sa Bacoor Boulevard ngunit dahil sa kalasingan ay binangga si Lacson sa gilid ng kalsada habang kinaladkad naman ang tricycle dahilan upang bumangga sa concrete post.

Agad na binawian ng buhay sa insidente ang tricycle driver habang sugatan ang dalawa pang biktima na isinugod sa ospital. (SIGFRED ADSUARA)

152

Related posts

Leave a Comment