REALISTIC ACTION PLAN VS COVID-19, INAASAHAN SA SONA

UMAASA si Senador Nancy Binay na ilalatag ni Pangulong Duterte ang reyalistikong action plan laban sa pagsugpo sa corona virus 2019 at iba pang hakbang ng gobyerno sa gaganaping State of
the Nation Address (SONA) ngayong Lunes.

Sa pahayag, sinabi ni Binay na dapat may roadmap out sa pandemya ang bansa na siyang pokus ng administrasyon kabilang ang kailangan pang gawin upang tuluyan nang mahinto ang pagkalat ng virus at epekto nito sa ekonomiya sa mga susunod na buwan.

“At this critical moment, the people are already drained from listening to reports on what was done in the past seven months. What the people wanted to hear from the President are those that need to be done more in the next five to 12 months—yung mga kinakailangan at dapat gawin sa mga darating na araw, and show to the nation a clear step-by-step roadmap out of the pandemic,” paliwanag ni Binay.

Sinabi ni Binay na inaasahan niyang maglalatag ang Pangulo ng actionable roadmap na may napapanahong response parameters, time-based deliverables at may realistic expectations.

“I hope the SONA does not dwell much on what was done, or who’s to blame—we are way past that. Kami sa Senate are ready and willing to support government’s plans to jumpstart the economy, find ways in tapping resources judiciously, and how to help strengthen public health.

Ang laban ngayon ay kung paano mabuhay. But as we move ahead, I hope the President would manage people’s expectations, and let them understand how government prioritizes its actions,” aniya.

Ayon kay Binay,  sumang-ayon ang lahat ng senador na bigyang prayoridad ang panukalang   Bayanihan-2 Law na nakatakda nang aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa sa pagbabalik ng Kongreso.

Dahil dahan-dahang pinabubuksan ang pagkilos ng ekonomiya sa gitna ng localized lockdown,

sinabi ng ilang pagamutan sa Metro Manila na hindi na sila tatanggap ng pasyenteng tinamaan ng COVID-19 dahil full bed capacity na sila. Simula noong Hulyo, lubhang tumaas ang bilang ng COVID infections na umabot na sa 78,412 kaso ngayon. (ESTONG REYES)

127

Related posts

Leave a Comment