Medical frontliners pagod na, time out muna NCR IBALIK SA ECQ

(NELSON S. BADILLA)

BIGLANG kumilos ang Department of Health (DOH) ngayong hapon ng Agosto 1 hinggil sa kahilingan ng Philippine Medical Association (PMA) kay Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik sa
enhanced community quarantine (ECQ) ang Mega Manila mula Agosto 1 hanggang 15 upang “makabalangkas” ng mas epektibong estratehiya ang mga doktor at iba pang frontliners laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Inanunsiyo ito ni Dr. Jose Santiago, pangulo ng PMA, sa media ilang oras mula nang iparating ng nasabing samahan ang kanilang liham sa pangulo.

Sa kanyang liham kay Duterte, sa pamamagitan nina Secretary Carlito Galvez Jr. (National Task Force COVID-19 Chief Implementor at DOH Secretary Francisco Duque III, idiniin ni Dr. Santiago na ang layunin ng 15-araw na ECQ mula Agosto 1 sa Mega Manila (tumutukoy sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) ay “to recalibrate strategies against COVID-19”.

Pangunahing batayan ni Santiago ay ang bagong 3,954 kaso ng COVID-19 nitong Hulyo 30.

Pangalawa ay ang “consistent rise in number” ng biktima ng COVID-19.

Pangatlo ay ang pagsasara ng Ospital ng Maynila at Dr. Fabella Memorial Hospital dahil malaking bilang ng kani-kanilang health workers ay tinamaan ng nasabing sakit.

“Our health workers are burnt out with the seemingly endless number of patients trooping to our hospitals for emergency care and admission,” paliwanag ni Santiago upang makumbinsi si Duterte sa kahilingan ng PMA. Binubuo ng 40 samahan ng mga manggagamot at manggagawa sa pangkalusugang sistema ng bansa.

Iginiit pa ni Santiago na “We are waging a losing battle against COVID-19, [thus] we need to draw up a consolidated, definitive plan of action.”

Ang labinglimang araw ay “time-out to refine our pandemic control strategies” upang mabigyan din ng mga kaukulan at tamang solusyon ang maraming suliraning nakadikit sa COVID-19, susog ni Santiago.

Ang aksiyon ng DOH batay sa utos ni Duterte na harapin ang PMA ay napakalayo sa unang reaksyon ng Malakanyang sa kahilingan ng nasabing organisasyon ng mga doktor at health workers.
Ayon sa tagapagsalita ni Duterte na si Secretary Harry Roque Jr., nagpasya na ang pangulo na manatili ang GCQ sa Metro Manila at Rehiyong Calabarzon.

Iginiit ni Roque na hindi solusyon ang ECQ upang mapababa ang bilang ng mga Filipino na nagkakaroon ng sintomas ng COVID-19 araw-araw.

Ipinaalala ni Roque sa PMA na: “Community quarantine alone, we repeat, is an insufficient response in controlling COVID-19.”

Aniya, tinutugunan ng administrasyong Duterte ang problema sa pamamagitan ng “scaling up hospital capacity by increasing allocation of COVID-dedicated beds while hiring more doctors,
nurses, and medical-personnel.”

“We are also engaging the community, through risk communication, social mobilization and advocacy to observe the minimum public health standards of wearing a mask, washing of hands,
and keeping a physical distance,” dagdag ng kalihim.

Nagpakawala naman ng sarkastikong reaksiyon si Senador Cynthia Villar kung saan inihayag nitong pagbutihin ng health workers ang kanilang gawain laban sa COVID-19.

Kaugnay nito, ngayong gabi ay naglunsad ng online survey ang grupong Families for Truth, Justice and Peace (FTJP) upang malaman ang pulso ng mamamayan sa kanilang hiling na ibalik sa ECQ ang NCR.

Partikular silang nanawagan sa mga nasa hanay ng medisina at kanilang mga kaibigan para tumugon sa survey na matatapos alas-6 bukas ng gabi, Agosto 2.

Samantala, isang post ang kumakalat din sa internet na nagsasaad na “It will take 20 years to replace a fallen physician but only 3-6 years to replace a corrupt politician. Let’s save our doctors!

156

Related posts

Leave a Comment