Hirit ng mga senador, medical community PALITAN SI DUQUE

DUMARAMI ang mga nagtutulak ng pagbibitiw o palitan sa pwesto si Health Secretary Francisco Duque sa gitna ng mga kontrobersya, kapalpakan at anomalya sa kanyang pinamumunuan.

Nagtataka si Senador Panfilo “Ping” Lacson kung anong klaseng agimat ang gamit ni Duque kay Pangulong Duterte upang hindi mapalitan sa Department of Health (DOH).

Sa pahayag, sinabi ni Lacson na hindi lamang siya ang nanawagan sa pagbibitiw ni Duque kundi maging 14 pang senador na lumagda sa resolusyon dahil nanganganib bumagsak ang healthcare
system ng bansa sanhi ng kanyang kapalpakan.

Sinabi ni Lacson na hindi nagbabago ang bilang ng mga mambabatas na nananawagan ng kanyang pagbibitiw bukod pa sa panawagan ng health experts.

“Many others in the DOH and the medical community also want him to resign or be replaced,” aniya.

Dahil dito, sinabi ni Lacson na hindi niya talaga maintindihan kung bakit nananatiling may tiwala ang chief executive kay Duque sa paglaban sa corona virus 2019 (COVID-19) na patuloy na lumalala.

“Having said that, I couldn’t understand what “amulet” or magic potion Duque has as far as the President is concerned,” giit ni Lacson. (ESTONG REYES)

116

Related posts

Leave a Comment