COMPREHENSIVE ASSISTANCE SA OFWs, HIRIT SA SENADO

HINILING ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sa kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na maglatag ng comprehensive assistance sa mga overseas Filipino worker (OFW) na nahaharap sa krisis sa ibang bansa.

Hiniling ito ni Go matapos ang pagsabog sa Beirut, Lebanon na ikinamatay ng apat na Filipino at ikinasugat ng maraming kababayan.

Kasunod nito, pinuri ni Go ang mabilis na pagtugon ng Philippine Embassy sa Beirut sa pangangailangan ng mga apektadong Pinoy doon kasabay ng panawagan na mas pag-ibayuhin pa
ang pagbibigay ng public service sa mga Pinoy sa ibang nasyon.

Sinabi ni Go na maliban sa mga hinaharap na problema ng bansa ngayon sa COVID-19 ay dapat ding kasama sa mga prayoridad ang pagtiyak sa kapakanan ng mga kababayan na apektado ng
krisis.

Ayon kay Go, batid naman ng lahat na maraming bansa ang apektado ng krisis kaya naman asahan na ang pagkawala ng trabaho ng ilan sa abroad kaya dapat paghandaan ang pagtulong sa mga ito kasama na ang repatriation.

Binigyang-diin ni Go na base sa Philippine Development Plan 2017-2022 at ang Duterte Administration National Security Policy, nakasaad dito ang pagprotekta sa karapatan at ang
maitaguyod ang kapakanan ng mga OFW na tinatayang 10% ng populasyon ng bansa.

Matatandaan na nakabase rin dito ang panawagan nina Pangulong Duterte at Go sa pagtatatag ng Department of Overseas Filipino Workers na tututok sa kapakanan ng mga manggagawang Pinoy sa abroad. (ESTONG REYES)

124

Related posts

Leave a Comment