TULAK PATAY SA BUY-BUST

CAVITE – Hindi umabot nang buhay sa pagamutan ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad sa buy-bust operation sa Gen. Trias City sa lalawigang ito.

Kinilala ang suspek na si Michael Sierra alyas Michael, residente ng Brgy. Manggahan, City of General Trias, Cavite.

Sa ulat ni P/SSgt. Harry Culanding ng Gen. Trias City Police Station, dakong alas-9:15 noong Biyernes ng gabi nang magkasa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Unit (DEU) sa Stateland, Brgy. Manggahan sa lungsod na ito.

Nakipagtransaksiyon ang suspek sa isang pulis na umaktong poseur buyer ngunit sa aktong aarestuhin ito ay tumakbo patungo sa Tropical Village Pabahay 2000, sakop ng Brgy. San Franciso
ng naturang siyudad.

Hinabol ito ng mga awtoridad ngunit pinaputukan sila ng suspek hanggang sa sumapit sa makipot na daan.

Gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

Nakuha sa suspek ang isang kalibre 9mm pistol, buy-bust money at isang sling bag na naglalaman ng ilang sachet ng shabu. (SIGFRED ADSUARA)

58

Related posts

Leave a Comment