ANIM na opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang naghain na ng leave of absence sa gitna ng patuloy na imbestigasyon sa mga alegasyon ng katiwalian sa ahensya.
Naghain ng kanilang voluntary leave of absence sina Region 4B Regional Vice President Paolo Johann Perez, Region 6 Regional Vice President Valerie Anne Hollero, Region 10 Regional Vice
President Masiding Alonto Jr., ARMM Regional Vice President Khaliquzzaman Macabato, Regional Vice Preident Wiliam Chavez at Regional Vice President Dennis Adre.
Batay sa kanilang sulat kay PhilHealth Executive Vice President Arnel de Jesus, epektibo ang kanilang leave ngayong August 17.
Ang desisyon ng mga opisyal ay bilang pagtugon anila sa panawagan ng Department of Justice at suporta sa imbestigasyon na isinasagawa ng Task Force kaugnay sa mga alegasyon ng katiwalian sa ahensya.
Naniniwala ang mga opisyal na sa pamamagitan ng kanilang leave of absence ay magiging malaya ang task force sa kanilang imbestigasyon.
Upang hindi naman maantala ang kanilang operasyon, nagtalaga ng officers in charge sa kani- kanilang tanggapan. (DANG SAMSON-GARCIA)
174
