GADON SINOPLA NG DOH

SINOPLA ng Department of Health ang abogadong si Larry Gadon at sinabing hindi “palabas” o isang “show” ang paglalagay ng face mask laban sa COVID-19.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi nakatutulong ang mga pahayag ni Gadon at lumalabas na nagbibigay pa ito ng “misinformation”.

Naunang ipinagkibit balikat ni Gadon ang paggamit ng face mask kung saan may photo pa na nakita siya na naka-face shield pero nakadikit lang ang face mask.

“This is not a joking matter. Alam ng mga tao, lahat, may namamatay, may nagkakasakit. Nagsu-suffer ang economy. And the only way to go for us to fight this situation or to overcome the

situation is lahat tayo magtulung-tulungan. So yung mga ganitong statements is not helping us at all,” pahayag ni Vergeire.

Sinabi ni Vergeire na huwag basta-basta magsasalita ang mga kilalang personalidad dahil baka sila gayahin kahit mali.

Lumabas sa mga pag-aaral na nakatutulong ang face mask para maprotektahan ang mga tao laban sa sakit.

“Sana lahat ng tao maintindihan nila kung ano ang implikasyon pag nagsalita sila in public because people are following them,” sinabi ni Vergeire. (CATHERINE CUETO)

198

Related posts

Leave a Comment