PROMOTOR NG FAKE NEWS KAY DIGONG HAHABULIN

KOKUNSULTAHIN ni Presidential spokesperson Harry Roque si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa posibleng pagdulog sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) para matumbok kung sino ang posibleng nasa likod ng pinakahuling fake news laban sa Chief Executive.

Kumalat kasi ang balitang nagpunta ng Singapore ang Pangulo nitong nagdaang weekend para magpagamot.
Aniya, sensitibo, madaling mataranta at madaling mapaniwala ang mga tao lalo’t mayruong pandemya.

Ayon pa kay Sec. Roque, siya man ay nabiktima ng fake news kamakailan tungkol sa lumabas na ulat na kanyang sinabi umano na balewala lang ang mga namamatay sa COVID dahilan upang sumulat siya sa NBI para hanapin kung saan lumabas ang gayung balita.

Giit nito, nagsalita na ang Pangulo na mapatutunayang fake news ang ipinakalat na Singapore trip at ito’y sa pamamagitan ng kanyang public address kamakalawa kung saan ay pinabulaanan ng
Chief Executive ang naturang ulat.

Gayunpaman, tatanungin ni Roque ang Pangulo kung maaari nitong ikonsidera na ipahanap sa otoridad ang mga nasa likod ng pekeng balita hinggil sa umano’y kanyang biyahe sa Singapore.
(CHRISTIAN DALE)

335

Related posts

Leave a Comment