ARESTADO ang isang 30-anyos na lalaki makaraang maghamon ng away at nanutok ng mga
dumaraan at kalaunan ay nadiskubreng peke ang baril, sa San Andres Bukid, Manila noong Martes
ng gabi.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Art. 155 (Alarm and Scandal) at RA 10591 (Illegal Possession of
Firearms and Ammunition) ang suspek na kinilalang Jonjon Lagidao y Manuel, binata, tambay, ng
Phase A, Aling Bidang Housing, Bagong Silang, Caloocan City.
Batay sa ulat ng MPD-Sta. Ana Police Station 6, bandang alas-9:00 ng gabi nang arestuhin ng mga
pulis ang suspek sa riles ng tren ng PNR sa Osmeña Highway malapit sa Pedro Gil St. sa San Andres,
Bukid.
Ayon kina P/Cpl. Armstrong Valdezco at Patrolman Roi Christian Amamio, habang nagpapatrulya
sila sa nasabing lugar, namataan nila ang suspek na armado ng baril at sumisigaw.
Hindi nakapalag ang suspek nang disarmahan ng mga pulis at nadiskubreng replika lamang ang
baril nito.
Nang beripikahin, nadiskubre na ang suspek ay sangkot sa pagnanakaw sa bahay ng pulis na si Pat.
Red Angelo Panganiban sa Amatista St. sa San Andres Bukid. (RENE CRISOSTOMO)
172
