TOTOY NA KUMASA SA 2 BULLY, KRITIKAL SA SAKSAK

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 17-anyos na estudyante makaraang pagtulungang saksakin ng dalawang binatilyo sa Navotas City noong Martes ng gabi.

Agaw-buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang si alyas “Willy” habang natiklo naman ng mga pulis ang mga suspek na edad 14-anyos at 16-anyos. Alas-10:20 ng gabi nang mangyari ang insidente sa Blk. 29, Phase 2, Area 1, Brgy.

North Bay Boulevard South, Dagat-dagatan matapos komprontahin ng biktima ang mga suspek hinggil pagbabanta ng mga ito sa nakababatang kapatid ni Willy. Matapos magbangayan ay naglabas ng patalim ang mga suspek at hinalihaw ng saksak ang biktima.

Nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga suspek habang hinihintay ang inquest proceedings sa mga ito sa Navotas City Prosecutor’s Office. (ALAIN AJERO)

188

Related posts

Leave a Comment