PATULOY na nagtitiwala at may kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Health Secretary Francisco Duque III kahit itinuturo siya ngayon bilang “godfather” ng mafia sa PhilHealth.
“He does. Sec Duque will no longer be in the Cabinet kung wala na siyang trust and confidence dito,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.
Sa ulat, direktang binansagan ng isa sa whistleblower ng PhilHealth scam si Sec. Duque bilang “godfather” ng mafia sa state insurer sa imbestigasyon sa Senado nitong Martes.
“Maituturing ko po na siya po ang godfather po ng mafia,” ani dating PhilHealth anti-fraud officer Thorrsson Montes Keith.
“Doon po sa Interim Reimbursement Mechanism siya po ang chairman, as a chairman [ng PhilHealth Board] mayroon pong due diligence po na gagawin ang isang chairman and considering
na he’s a doctor and mayroon siyang institutional knowlege sa pamamalakad sa PhilHealth,” giit ni Keith.
Dagdag pa ni Keith na sa sobra umanong tagal ni Duque sa PhilHealth simula pa noong 2001, madali sana nitong nakita ang mga iregularidad sa IRM kumpara sa kanya na siyam na buwan pa
lamang sa ahensya.
Si Duque rin umano ang nag-apruba sa pagkaluklok ng ilang executive officials na sinasabing miyembro ng mafia.
Pinasinungalingan naman ni Duque ang mga alegasyon ni Keith.
“I deny this. [It’s] absolutely malicious, without basis. I do not wish to dignify that allegation,” ani Duque.
Sa kabila nito, inamin naman ng pinuno ng DOH na mayroong mga kaduda-dudang aktibidad sa PhilHealth pero hindi naman direktang sinagot kung konektado ba si PhilHealth chief Ricardo
Morales dito. (CHRISTIAN DALE)
137
