DSWD KINALAMPAG SA DELAYED NA SAP

KINALAMPAG ni Senador Risa Hontiveros ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kaagad ipalabas ang cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) sa 1.26
milyong kuwalipikadong household sa Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon na hindi pa nakatatanggap ng subsidy sa harap ng ulat na tumaas ang bilang ng nawalan ng trabaho sanhi ng
pandemya.

Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na hindi katanggap-tanggap na lagpas isang milyong kwalipikadong pamilya ang hindi pa rin nakatatanggap ng ayuda.

“Ilang buwan na ang dumaan, tapos na ang round 2 ng lockdown, pero wala pa rin. If govenrment cannot yet commit to a new, third tranche of SAP releases, at the very least we should see to it that all qualified families get to receive the cash aid allocated to them under the first and second tranches,” ayon kay Hontiveros.

Isinagawa ni Hontiveros ang panawagan matapos ihayag ng DSWD na malapit nang makumpleto ang pamamahagi ng ikalawang tranche ng SAP dahil nakapagpalabas na sila ng P74.2 bilyon para
sa 12.28 milyong beneficiary families.

Pero, sinabi ni Hontiveros na hindi dapat isara ng pamahalaan ang libro ng SAP nang hindi muna tiyakin na nakatanggap ng SAP ang lahat ng kuwalipikadong pamilya na makatutulong sa kanilang pamumuhay sa gitna ng pandemya.

Iginiit ni Hontiveros na ang SAP para sa 1.26 milyong pamilya ay may pondo na, ibibigay na lang. (ESTONG REYES)

120

Related posts

Leave a Comment