Bulag, pipi at bingi sa panahon ni Noynoy HONTIVEROS WALANG ‘MORAL AUTHORITY’ NA MAG-IMBESTIGA VS PHILHEALTH?

Ni NELSON S. BADILLA

MISTULANG higit isang bilyon kuwestyon ang kailangang itanong kung mayroong “moral authority” si Senadora Ana Theresia “Risa” Hontiveros na magtanong nang magtanong kay Health Secretary Francisco Duque III at iba pang opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) hinggil sa garapalan at malaganap na korapsyon at pandarambong sa ahensiyang ito.

Ito’y dahil batay sa kasaysayan ng PhilHealth mula nang maitayo ito noong 1995 ay walang nakasulat, nakatagong rekord, na magpapatunay na naging bahagi si Hontiveros sa pagsugpo,
paglaban at paglilinis ng samu’t saring porma ng katiwalian, korapsyon at pandarambong sa nasabing ‘tagapagtiyak’ ng kalusugan ng mga Filipino.

Kahit noong kasapi ng PhilHealth Board of Directors si Hontiveros mula Nobyembre 2014 hanggang Oktubre 2015 (panahon ni dating Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Cojuangco Aquino III) ay hindi naman kumilos, isiniwalat at napatigil ni Hontiveros ang korapsyon at pandarambong sa PhilHealth.

Ang pananahimik nang literal ni Hontiveros ay maihahambing sa isang taong “bulag, bingi at pipi” sa sangkaterbang krimeng nakapalibot sa kanya.

Sa isinasagawang imbestigasyon ng Senado, idiniin ni Senadora Hontiveros na sa panahong naging pangulo at chief executive officer (CEO) si Duque sa PhilHealth (2001-2005) at chairman of the
board nito (2005-2009) at chairman of the board uli mula 2017 hanggang kasalukuyan habang kalihim ito ng DOH sa dalawang termino ay naganap at namayagpag ang maraming pangyayari ukol sa katiwalian, korapsyon at pandarambong sa PhilHealth.

Batay sa rekord, noong panahong miyembro ng PhilHealth Board of Directors mula Nobyembre 2014 hanggang Oktubre 2015 si Hontiveros, walang lumabas sa media na nagalit si Hontiveros
dahil sa korapsyon at pandarambong sa PhilHealth.

Hindi rin ibinisto ni Hontiveros sa media na talamak ang korapsyon at pandarambong sa PhilHealth.

Wala ring nabalita noon na nilinis at tinuldukan ng pamunuan ng PhilHealth, sa pangunguna ni Atty. Alexander Padilla, ang talamak na korapsyon at pandarambong sa nasabing ahensiya.

Hindi rin siningil ni Hontiveros si Duque sa mga sinasabi ng senadora na mga naganap na korapsyon sa ahensya mula 2001 hanggang 2009.

Hindi rin tinugis ni Hontiveros at mga kapwa pinuno nito sa PhilHealth si Duque hinggil sa sinasabing pagbili ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng limang milyong
PhilHealth Card noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ang PhilHealth Card ay ginamit ng administrasyong Arroyo upang habulin ang limang milyong lamang ni Fernando Poe Jr. kay Arroyo sa sarbey ng presidential candidates para sa halalang 2004. Ngayong isinasagawa na lamang ang panibagong imbestigasyon ng Senado ukol sa malaganap na korapsyon sa PhilHealth naniningil si Hontiveros kay Duque tungkol sa nabanggit na anomalya
noong 2004.

Kahit ang P10.6 bilyon na “opisyal” na hiningi nina PhilHealth Vice Chairman, president at CEO Alexander Padilla at DOH Secretary Janette Garin kay Budget Secretary Florencio “Butch” Abad ay
hindi hinarang at inupakan ni Hontiveros gayong alam niya at ng publiko na hindi ito dumaan, hindi pinag-usapan at lalong hindi inaprubahan ng PhilHealth Board of Directors.

Ang P10.6 bilyon ay inilaan nina Garin at Padilla sa pagpapatayo ng health centers sa iba’t ibang panig ng bansa, imbes na maging premium payments ng senior citizens sa PhilHealth na siyang
orihinal at totoong layunin ng P10.6 bilyon.

Nagbitiw si Hontiveros sa PhilHealth noong Oktubre 2015 dahil malapit na siyang maghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa Commission on Elections (Comelec) para sa kanyang
pagtakbo sa pagkasenador.

Bagamat naging bahagi ng party-list na Akbayan Citizens Party, tumakbo si Hontiveros sa bandila ng Liberal Party (LP).

Sa panahong ito, naging kontrobersiyal si Hontiveros dahil nakadikit sa kanyang kandidatura ang pondo ng PhilHealth.

Itinanggi ni Hontiveros na naging bahagi siya ng korapsyon at pandarambong sa PhilHealth.

Hindi siya kasama sa kasong isinampa kina Garin at Padilla sa Office of the Ombudsman hinggil sa P10.6 bilyong pera ng PhilHealth na nakalaan sana sa senior citizens.

287

Related posts

Leave a Comment