SINUSPINDE ng Ombudsman sa loob ng anim na buwan ang labintatlong opisyal ng PhilHealth.
Sa kabila naman na itinuro ni dating PhilHealth anti-fraud officer Thorrsson Montes Keith si PhilHealth president and CEO Ricardo Morales bilang “coddler” ng mga sindikato sa state health
insurer matapos pahintulutan ang pagpapatupad ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM) o “emergency cash advance” sa medical facilities ay hindi ito kasamang sinuspinde.
Welcome naman sa Malakanyang ang desisyon na ito ni Ombudsman Samuel Martires.
Si Sec. Roque, na hayag sa pagtuligsa sa corrupt practices sa PhilHealth, ay umaasa na ang naging hakbang ng Ombudsman ay magiging daan para sa mas magandang serbisyo ng ahensiya.
“Karamihan po sa kanila matitino, mayroon lang talagang mga ‘mafia’ nga na tinatawag,” ayon kay Sec. Roque.
Samantala, ikinatuwa rin sa mababang kapulungan ng Kongreso ang hakbang na ito ng Ombudsman.
“We in the Minority welcome this development as all of these hearings will be pointless if no action is taken to remedy the problems plaguing PhilHealth,” ani House minority leader Bienvenido
Abante, sa virtual press conference nitong Miyerkoles.
Kabilang sa mga pinatawan ng suspensyon sina Roy B. Ferrer, Celistina Ma. Jude dela Serna, Ruben John A. Basa, Dennis S. Mas, Shirley B. Domingo, Rodolfo Del Rosario Jr., Raul Dominic Badilla, Israel Pargas, Angelito Grande, Lawrence Mijares at Leila Tuazon, Eugenio C. Donatos II, at Clementine A. Bautista.
LIFESTYLE CHECK
Iginiit din ng kongresista na hindi lamang ang mga miyembro ng mafia sa PhilHealth ang dapat isailalim sa lifestyle check kundi maging ang malalapit nilang kaanak at kaibigan.
Posible umanong natuto na ang mga miyembro ng mafia sa karanasan ng ibang corrupt officials na nahuli dahil sa estilo ng kanilang pamumuhay kaya malamang na ang kanilang kinurakot ay
ipinagkatiwala sa mga kaanak at kaibigan.
Dapat din umanong habulin ang mga may-ari at opisyales ng mga ospital na kasabwat ng mafia sa (CHRISTIAN DALE/BERNARD TAGUINOD)
164
