Ringleaders ng RevGov ayaw kasuhan AFP, PNP BINANATAN

KINASTIGO ng isang dating mambabatas ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) dahil sa pagiging double standard umano ng mga ito sa pagpapatupad ng
batas dahil hindi kinakasuhan ng rebelyon ang mga nagsusulong ng revolutionary government (RevGov).

Ayon kay dating Anakpawis party-list Rep. Ariel Casialo,  malinaw na isang uri ng rebelyon at kudeta ang isinusulong na People’s National Coalition for Revolutionary Government and Charter Change subalit tahimik dito ang AFP at PNP kaya malaya pa ang mga ito.

Sa ilalim aniya ng 1987 Constitution, binigyan ng mandato ang PNP at AFP na protektahan ang gobyerno laban sa mga grupong nais pabagsakin ito tulad ng ginagawa ng People’s National
Coalition for Revolutionary Government and Charter Change.

“This is totally exposes that so-called armed “law enforcers” do not apply the existing laws equally,” ani Casilao dahil kung ibang grupo lamang umano ang nasa likod ng RevGov ay posibleng
nagkaroon na ng mass arrest.

Highly publicized aniya ang plano ng nasabing grupo at malinaw na isa itong “conspiracy and proposal to commit coup d’etat, rebellion or insurrection” sa ilalim ng Revised Penal Code (RPC)
subalit hindi kumikilos ang AFP at PNP.

SWAK SA RPC

Kinatigan naman ng abogadong si Rep. Alfredo Garbin ng Ako Bicol party-list na puwedeng kasuhan   ang mga organizer ng RevGov ng paglabag sa RPC partikular na ng Article 142 par. 3.

“Puwede [kasuhan] under Art. 142 par. 3 (RPC) By uttering seditious words or speeches, write, publish or circulate scurrilous libels, which tend to disturb or obstruct any lawful officer in
executing the functions of his office, OR which tend to instigate others to cabal and meet together for unlawful purposes, OR which suggest or incite rebellious conspiracies or riots, OR which lead or tend to stir up the people against lawful authorities, OR to disturb the peace of the community, the safety and order of the government, OR who shall knowingly conceal such evil practices. (Part of 2nd Form),” ani Garbin.

Tulad ng ibang mambabatas, sinabi ni Garbin na walang basehan ang RevGov dahil matatag pa anya ang gobyerno at wala pa sa ilalim ng diktaduryang sistema.

SELF INTEREST

Samantala, naniniwala ang isa pang militanteng mambabatas na hindi para sa kapakanan ng bayan ang kabuuang layon ng mga nasa likod ng RevGov kundi pansariling interes upang hindi mawala sa kanila ang kapangyarihan.

“Lantad na lantad na ang kagustuhan ni Duterte at ng kanyang mga alipores na manatili sa kapangyarihan,” ani Kabataan party-list Rep. Sarah Elago kaya dapat aniya itong tutulan ng
sambayanang Filipino.

“Malinaw na ang rebolusyonaryong gobyernong gusto nila Duterte ay hindi para maglingkod sa mamamayan, kundi para konsolidahin at panatilihin sila sa kapangyarihan,” dagdag pa ng solon.

WALANG PAGBABAGO

Ganito rin ang pahayag ni ACT party-list Rep. France Castro taliwas sa pinalalabas ng mga nasa likod ng RevGov na nais nilang magkaroon ng tunay na pagbabago sa pamamagitan ng rebolusyunaryong gobyerno.

“Walang tunay na pagbabago na isinusulong ang ‘revolutionary government’ na ito. Patuloy lamang tayong niloloko ng administrasyong ito na kunwaring para sa pagbabago pero ang totoo ay
babaguhin lang ang batas, ang konstitusyon para siya ay makapanatili sa puwesto at makonsolida ang lahat ng kapangyarihan sa bansa,” ani Castro.

Iginiit din ng dalawang mambabatas na dapat mahiya ang mga nasa likod ng RevGov dahil habang naghihirap ang mamamayan dahil sa pandemya sa COVID-19 ay ang pansariling interes ang
kanilang iniisip. (BERNARD TAGUINOD)

168

Related posts

Leave a Comment