NADAKIP sa pinagsamang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang babae sa buy-buy-bust operation sa Brgy. Greater Lagro, Quezon City noong Huwebes ng hapon.
Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) director, P/BGen. Ronnie Montejo ang suspek na si Rehima Saripada Alafa, nasa hustong gulang, residente ng Quiapo, Manila, nadakip dakong alas-4:30 ng hapon noong Agosto 27 sa parking lot ng isang mall sa nabanggit na lugar.
Ayon sa ulat, isang undercover operative na umaktong poseur buyer ang bumili ng shabu mula kay Alafa at nang magkapalitan ng item ang dalawa ay nagbigay ng signal ang awtoridad sa kanyang kasamahan na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek.
Nakumpiska mula sa suspek ang 500 gramo ng shabu na tinatayang P3,400,000 ang street value, isang black Toyota Revo (XAJ 376DP), isang cellular phone at ang buy-bust money. (JOEL O. AMONGO)
192 