2 ASG PATAY SA SEARCH & DESTROY OPERATION SA SULU

DALAWANG kasapi ng teroristang Abu Sayyaf Group ang napatay ng mga tauhan ng AFP Joint Task Force Sulu sa kanilang inilunsad na “search and destroy” operation bunsod ng nangyaring Jolo twin suicide bombings na ikinamatay ng 15 katao.

Sa ulat na ipinarating kay Western Mindanao Command chief, Maj. Gen. Corleto Vinluan, Jr., isinagawa ang search and destroy operation laban kay Mundi Sawadjaan na itinuturing na utak ng serye ng pambobomba sa nabanggit na lugar.

Kabilang dito ang dalawang magkasunod na suicide bombing sa Barangay Walled City sa Jolo.

Ayon kay BGen, William Gonzales, commander, Joint Task Force Sulu, bandang alas-9:45 noong Sabado ng umaga nang makasagupa ng 3rd at 5th Scout ranger Battalion ang tumatakas na mga tauhan ni Sawadjaan sa Patikul, Sulu.

Pagkaraan ay nasamsam ang dalawang high powered firearms at natagpuan ang bangkay ng dalawang napatay na ASG.

Ipinag-utos ni BGen, Gonzales na huwag lulubayan ang pagtugis sa grupo ni Mundi Sawadjaan.

“We will employ all military assets to destroy the fleeing Abu Sayyaf members who are perpetrators of the Jolo bombing. I personally thank the Mayor of Patikul, Sulu, Hon. Kabir Hayudini, for declaring the Abu Sayyaf PERSONA NON GRATA last August 27 which led to the successful armed encounter of our troops this morning in his municipality,” ani Gonzales. (JESSE KABEL)

137

Related posts

Leave a Comment

ADVERTISE WITH US!

Email: advertise@saksingayon.com

Phone: 7757-2769

Address: #85 Unit F, Scout Rallos St., Brgy. Sacred Heart, Diliman, Quezon City