TIRADOR NG TAXI TIKLO, SA BANTAY BAYAN

CAVITE – Nadakip ng Bantay Bayan ang dalawang lalaki makaraang holdapin ang isang taxi driver at tangayin ang cellphone at P3,000 halagang kinita ng biktima sa Imus City sa lalawigang ito.

Nakakulong na sa Imus Custodial Center ang mga suspek na sina Jhondel Dasmariñas, 33, ng Robes 1, Area 1, Camarin, Caloocan City, at Mark Anthony Carriedo, 27, ng Houseland Anabu 1B, Imus City, dahil sa reklamo ng biktimang si Joseph Arda lll, 48, taxi driver, residente sa A-I, B44, Exist Lot, Poblacion 4, General Mariano Alvarez, Cavite

Ayon sa imbestigasyon, sumakay ang dalawang suspek sa minamanehong taxi ng biktima at nagpahatid sa District Mall sa Anabu dakong alas-12:45 ng madaling araw nitong Sabado.

Ngunit pagsapit sa Medecion 1C ng naturang kungsod, nagdeklara ng holdap ang mga suspek at tinangay ang cellphone at ang P3,000 halagang kinita sa pamamasada ng biktima.

Tiyempo namang nadaanan ang biktima ng Bantay Bayan na sina Beinvenido Legaspi at Christian Lloyd Cobana ng Brgy. Medicion, na nagresulta sa pagkakaaresto sa
mga suspek. (SIGFRED ADSUARA)

125

Related posts

Leave a Comment