MAG-ANAK NATUSTA SA GARMENT FACTORY

LAGUNA – Patay ang limang miyembro ng pamilya sa sunog sa isang maliit na patahian sa bayan ng Magdalena sa lalawigang ito, nitong Biyernes.

Ayon sa report ng Magdalena Police, kinilala ang mga biktimang sina Revelino Reieva ,42; live-in partner nitong si Kristina Cassandra Felame, 35, at kanilang mga anak na si Urixen, 10; at ang kambal na sina Bossy at Briton, 8-anyos.

Ayon sa mga saksi, mabilis na kumalat ang apoy bandang alas-3:00 ng madaling araw nitong Sabado habang natutulog ang mag-anak sa Rowena Gallano Garment Factory sa Brgy. Poblacion sa Kalye Putol, sa bayan ng Magdalena.

Nagtulong-tulong ang mga bumbero ng Magdalena, Pagsanjan, Liliw, Majayjay, Nagcarlan, Sta. Cruz at Pila, Laguna sa pag-apula sa sunog.

Dalawang oras na tinupok ng apoy ang nasabing garment factory at pagkaraan ay natagpuan ang nasunog na katawan ng mga biktima.

Sa ngayon, hindi pa malinaw sa Bureau of Fire Protection o BFP kung ano ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang halaga ng mga ari-arian na napinsala sa insidente. (CYRILL QUILO)

133

Related posts

Leave a Comment