MAGNITUDE 6.4 NA LINDOL YUMANIG SA DAVAO OCC

NORTH COTABATO – Nagising mula sa mahimbing na pagkatulog ang ilang mga taga-Davao Occidental at mga kalapit na lugar nito dahil sa naramdamang lindol, Linggo ng gabi.

Base sa inilabas na impormasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), niyanig ng magnitude 6.4 na lindol ang karagatan ng Don Marcelino, Davao Occidental na epicenter nito alas-11:23 ng gabi.

May lalim itong 149 kilometers at tectonic ang origin.

Naitala naman ang:
Intensity V – General Santos City; Mati City
Intensity IV – Magsaysay, Davao del Sur; Koronadal City
Intensity III – Kidapawan City

Intensity V – Alabel & Malungon, Sarangani; General Santos City
Intensity IV – Koronadal City & Tupi, South Cotabato; Kiamba, Sarangani
Intensity III – Gingoog City
Intensity II – Bislig City
Intensity I – Cagayan de Oro City

Naramdaman ang paggalaw ng lupa maging sa lalawigan ng Cotabato at hindi pa rin nawawala ang takot sa ilang residente dahil sa mga nagdaang malalakas na lindol nitong nakaraang taon.

Samantala, ayon sa PHIVOLCS, walang tsunami threat na nakikita matapos ang malakas na pagyanig. (BONG PAULO)

198

Related posts

Leave a Comment