PAGPAPATUPAD SA MANDATO NG PHILHEALTH PINASISIGURO

PINATITIYAK ni Senador Christopher Bong Go sa PhilHealth na tuloy ang serbisyo sa publiko habang pinasisiguro ang tuluyang implementasyon ng Universal Health Care Law sa kabila ng mga kontrobersiya sa ahensiya.

Sinabi ni Go na habang sinisikap ng gobyerno na maalis ang systematic corruption at mapanagot ang mga nasa likod nito sa PhilHealth, umaasa siyang tutuparin ang mandato na ibigay sa tao ang serbisyong nararapat.

Idinagdag pa nito na nais nitong makita sa mga susunod na araw ang mga report kung ilang pasyente ang natulungan ng PhilHealth at hindi puro kung magkano ang nanakaw.

Binigyang diin ni Go na ngayon mas kailangan ng bansa ang “working” PhilHealth na walang korapsyon sa ilalim ng bagong president/CEO nito.

Kinumpirma rin ni Go na nagkaroon na sila ng pulong kasama ang PhilHealth at economic managers na pinangungunahan ni Finance Secretary Sonny Dominguez upang masigurong mayroong sapat na pondo para ituloy at mapabuti pa ang healthcare services ng bansa.

Giit din nito, dapat masiguro ng Kongreso na may sapat na pondo sa 2021 budget para sa pagpapatupad ng UHC law at para masiguro ang quality medical services sa gitna ng COVID-19 pandemic. (NOEL ABUEL)

223

Related posts

Leave a Comment