STAYCATIONS BIGYAN NG CHANCE – MALAKANYANG

“LET’S give it a chance.”

Ito ang apela ni Presidential spokesperson Harry Roque sa publiko makaraang aprubahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang “staycations” sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) sa kabila ng COVID-19 pandemic.

“That marks the beginning of the reopening of our tourism industry here in Manila,” ayon kay Sec. Roque.

“Let’s give it a chance,” giit ni Sec. Roque dahil gaya aniya ng ad campaign ng pamahalaan ay pwede namang pag-ingatan ang buhay para makapaghanapbuhay ang lahat.

Base sa rekomendasyon ng Department of Tourism (DOT), maari nang mag-stay ang sinoman sa mga accredited accommodation enterprises ng DOT basta’t nasa loob lamang ng lugar kung saan sila naninirahan.

Nangangahulugan ito na ang mga nakatira sa National Capital Region ay pwedeng mag-staycation sa mga hotel o anomang mga kahalintulad na pasilidad na nasa bisinidad ng rehiyon, depende sa requirements ng kanilang mga lokal na pamahalaan.

Lilimitahan naman ang bilang ng guests na pahihintulutang mag-stay sa mga hotel.

Patuloy namang binubuo ng DOT ang iba pang guidelines para sa inaprubahang staycation. (CHRISTIAN DALE)

136

Related posts

Leave a Comment