NATAPOS ang maliligayang araw ng isa sa notorious drug pushers sa teritoryo ng Eastern Police District (EPD) makaraang masakote sa buy-bust operation ng pulisya ng Lungsod ng Marikina noong Lunes.
Si Najib Pacasirang, 25-anyos, ay nahuli ng mga pulis at tauhan ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bandang alas-4:00 ng hapon sa tapat ng Salvador’s Apartment sa Kapitan Moy Street, Barangay Sta. Elena.
Siya ay nadakip sa drug buy-bust matapos iabot sa pulis ang methamphetamine hydrochloride o shabu kapalit ng P1,000 sa poseur buyer.
Ayon sa ulat ng EPD, si Pacasirang ay ika-7 sa 10 nangungunang personalidad sa drug list ng EPD.
Ang EPD, na pinamununuan ni Brig. Gen. Johnson Almazan, ay sakop ang mga lungsod ng Mandaluyong, San Juan, Pasig at Marikina.
Ang mga nakuha kay Pacasirang ay 23 gramo ng shabu na P156,400 ang halaga, green coin purse at P1,000 bill na ginamit sa buy bust.
Sinampahan si Pacasirang ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (NELSON S. BADILLA)
