2/3 NG PUVs PAYAGAN NANG MAKABIYAHE

HINIKAYAT ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto ang Department of Transportation (DOTr) na payagan nang magsagawa ng “last patrol” ang mga jeepney bago simulan ang modernisasyon ng public transport sector.

Sa pahayag, sinabi ni Recto na malaki ang naitulong ng jeepney sa atin noon laban sa mananakop kaya dapat nang payagan ngayon upang makatulong sa paglaban sa virus na nasakop ang ating pang-araw araw-na pamumuhay.

Aniya, nakakaawang matunghayan na tanging 1/3 lamang ng jeepney sa National Capital Region (NCR) ang pinayagang bumiyahe.

“For every jeepney denied to operate are hundreds of breadwinners denied a safe ride to work and back home,” paliwanag niya.

“Drivers, on their own, have reconfigured their jeepneys to comply with health rules like physical distancing. They are good to go,” dagdag ni Recto.

Iginiit din ni Recto na mas maganda kung mga jeepney driver ang unang makikinabang sa service contracting scheme na nakatakda sa Bayanihan 2 na nagkakahalagang P5.58 bilyon.

Iginiit pa ng mambabatas mula Batangas na hayaan na lamang ang siyensiya ang maging piloto at ekonomiya ang maging co-pilot sa pagpayag na makabiyahe ang mga jeep. (ESTONG REYES)

145

Related posts

Leave a Comment