Ilang lugar sa Pinas zero na sa covid ‘NEW NORMAL’ NA SA OKTUBRE

MAY ilang lugar sa bansa ang maaari nang isailalim sa “new normal” ngayong Oktubre.

Ito’y dahil sa zero COVID-19 transmission sa ilang bahagi ng Pilipinas.

Ang Community quarantine measures para sa buwan ng Oktubre “will not be the same,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Posible aniya kasing bawiin ang virus restrictions sa ilang lugar.

Karamihan ng lugar sa Pilipinas ayon kay Sec. Roque ay nasa ilalim ng relaxed general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ) hanggang sa katapusan ng buwan habang hangad ng pamahalaan na muling simulan ang economic activity.

“There will be areas na mayroong zero transmission in the past month na puwede nang ideklara as under the regime of new normal,” ayon kay Sec. Roque.

“In that sense, magkakaroon tayo ng mga bagong classification, magkakaroon tayo ng new normal aside from MGCQ,” dagdag na pahayag nito.

Sa ulat, ang Pilipinas ay patuloy na nakapagtatala ng bagong COVID-19 cases kada araw sa kabila nang ipinatutupad na pinakamahaba at pinaka-mahigpit na lockdowns sa buong mundo.

Mayroon itong 4-step quarantine system, bago ang “new normal” na may ipinatutupad na minimum health standards gaya ng pagsusuot ng face masks, face shields, at physical distancing.

Ang Metro Manila, coronavirus epicenter ng bansa ay nasa ilalim ng GCQ sa ikatlong pagkakataon.

Ipinatupad ang virus lockdowns noong Marso, pinakamataas na enhanced community quarantine o ECQ, na sinundan ng modified ECQ, GCQ, at MGCQ.

Ang MGCQ ang magsisilbing transition point para sa new normal o lubos na pagpapagaan ng virus restrictions. (CHRISTIAN DALE)

152

Related posts

Leave a Comment