KAILANGANG may utak ang susunod na presidente at hindi lang puro tapang.
Ito ang tila pasaring ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez sa kanyang local radio program sa Davao Ddel Norte, upang mahawakan amiya nang maayos ang problema sa COVID-19.
“Una, kining kinahanglan mupili ta presidente nga kahibalo muhandle imong covid. Kanang presidente nga utok (sabay turo sa kukute), utok, di lang paisog-isog,” ani Alvares na ang ibig sabihin ay “pumili ng may utak na pangulo at hindi lang puro tapang.”
Ginawa nito ang nasabing pahayag dahil maipapasa ang problema sa covid-19 sa susunod na pangulo ng bansa kaya kailangang may utak umano ang susunod na pangulo na kayang hawakan ang problema sa pandemyang ito.
Hindi kontento si Alvarez sa pagtugon ng gobyerno sa covid-19 na nagsimulang nanalasa sa bansa noong Marso na naging dahilan para magpatupad ng community quarantine ang gobyerno.
“Let’s admit it. The handling of the COVID pandemic in the entire Philippines is a failure.”
ayon pa dito dahil hanggang ngayon ay parami ng parami ang nagkakaroon ng virus.
“So there’s a problem, something is wrong in handling the problem,” dagdag pa ni Alvarez kaya kailangang may utak aniya ang susunod na pangulo dahil hindi lang ito aniya ang problemang kinakaharap ng bansa.
Si Alvarez ang unang Speaker ng Kamara sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi lingid sa kaalaman ng marami na kilalang “matapang” kahit noong ito ay mayor pa ng Davao City.
Nakudeta si Alvarez at tinanggal sa speakership ilang oras bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Duterte noong 2018 kung saan pinalitan siya ni dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.
May mga impormasyon na pinonente ng anak ni Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte ang pagpapatanggal kay Alvarez matapos magkaroon ang mga ito ng hidwaan. (BERNARD TAGUINOD)
165
